Saturday, August 29, 2015
Dear Top Gear Philippines, Kaya nga kami nag-EDSA at DOJ para maramdaman ng lahat lalo na ng Government ang hinaing ng INC. Ang isyu dito ay may pinaglalaban ang INC gaya nang may pinaglaban ang EDSA 1 at EDSA 2. Sa amin, ang pakikialam ng De Lima mo sa mga panloob na bagay ng relihiyon ( Separation of Church and State). Top Gear Philippines, Huwag kang ma-isyu! huwag kang pakialameroo gaya ng De Lima, kung napeperwisyo ka, kausapin mo ang De Lima mo na igalang ang Constitution. Huwag kami ang sisihin mo. "Wala kami sa kalsada kung hindi nila pinakikialaman ang Iglesia"
Parang malayo po yata yung EDSA 1 at 2 sa nangyayari ngayon. Ang ipinaglaban noon ay issues ng buong bayan, hindi issues ng isang sekta. Uulitin po namin: Hindi po yung relihiyon o pananampalataya ninuman ang pinakikialaman namin. Yung abalang pantrapiko lang po ang tinutukoy namin.
Pag kaming mga ordinaryong tao ay may isyu sa hustisya, lumalahok kami sa usaping pangkorte. Hindi kami nagpa-party sa kanto ng bahay nyo. Wag po nating haluan ng drama to. Let's stick to the inconvenience you are causing other people. One of our officemates who lives in the EDSA-Shaw area couldn't sleep last night because of your megaphone-aided chanting. May dinudulot kayong perwisyo tapos pag may nagsalita, wag maki-issue?
Puro separation of church and state ang sinasabi nyo. Ang ibig sabihin nun ay hindi pwedeng makialam at mang-impluwensya ang anumang simbahan sa pulitika, na sya namang ginagawa nyo kada eleksyon. Hindi ibig sabihin nun na exempted kayo sa batas. May nagsampa ng kaso sa pamunuan nyo. Harapin nyo nang maayos. Hindi yung mamemerwisyo kayo, tapos pag may nagreklamo kayo pa ang galit.
Finally, lalagyan po namin ito ng mga hashtags para hindi nyo sabihing walang kinalaman ang usapin na ito sa teritoryo namin na motoring. #edsatraffic #idlingcars #wastedfuel
Labels:
News
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment