Sunday, October 18, 2015
Isang hangarin lang ang gumabay sa aking dalawampu’t siyam na taong paglilingkod: ang tugunan ang daing ng mahihirap. Kaya kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nagpunta at sumuporta sa aming pangarap - ito po ay tungo sa tunay na pagbabago na mag-aangat at magpapaginhawa ng buhay ng bawat Pilipino.
Nang mamatay ang nanay ko, pinambili namin ng bahay sa Pasay ang kanyang death benefits ngunit ito ay nasunog kaya kami napalipat sa Makati. Lumaki ako sa Tiyo ko at siya ang tumulong sa aking pag-aaral. Natuto akong maglaba, mamlantsa at mamalengke. Nagwawalis ako tuwing umaga at inilalabas ang panabong ng Tiyo ko. Pagkatapos kong mamalengke, saka ako makakapag-aral. Ito ang buhay na aking napagdaanan. Laki ho ako sa hirap at hindi ko ho ito makakalimutan. - Jejomar C. Binay, UP College of Law
Dapat nating pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng ating mga guro dahil sila ang ating kaagapay sa paghubog sa ating mga kabataan. Marapat lamang na kilalanin natin ang kanilang serbisyo at dedikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga nararapat na benepisyo. - VP JOJO BINAY
Sa Batangas, may kasabihan ho na maigi pang mag-alaga ng matsing kesa sa pamangkin. Dahil nga ho lumaki ako sa aking Tiyo, pinakita kong marunong akong tumanaw ng utang na loob sa kanya. Dito ho nagsimula ang pagmamahal ko sa ating senior citizens. ‘Yong pagmamahal ko sa mga matatanda, ‘yon po ay nagsimula sa utang na loob ko sa aking pamilya. Nung bata sila, ang laki ng tulong na ginawa nila sa bayan. Ngayong matatanda na sila, pababayaan ba natin sila? - Jejomar Binay
Lalong tumitibay ang panindigan ko na ipatupad ang tunay na pagbabago tungo sa pag ginhawa ng bawat Pilipino.
Ginhawa sa buhay ng bawat Pilipino
Lalong tumitibay ang panindigan ko na ipatupad ang tunay na pagbabago tungo sa pag ginhawa ng bawat Pilipino.
Posted by Jojo Binay on Friday, September 18, 2015
Subscribe to:
Posts (Atom)